MAYNILA - Nagmistulang swimming pool ang España Boulevard ngayong Martes dahil sa abot-binting bahang idinulot ng mga pag-ulang dala ng bagyong "Maring." Sa mga kuha ni Rhenwil James G. Santos na ini-upload ng The Varsitarian sa Facebook, makikitang kahit ang loob ng University of Sto. Tomas ay binaha na rin. Bagama't maagang nakapagkansela ng klase at trabaho ang Maynila, meron pa ring mga hindi naiwasang bumiyahe sa kasagsagan ng masamang panahon. Martes ng umaga nag-landfall sa Mauban, Quezon ang bagyong "Maring" at inaasahang tatahakin nito ang bahagi ng Laguna, Rizal, Bulacan at Zambales, at dadaan rin malapit sa Metro Manila. Huling namatahan ang bagyo sa Laguna de Bay, alas-10:00 ng umaga. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometero bawat oras at pagbugsong aaabot sa to 100 kilometro bawat oras. Bukod sa Maynila, hindi rin nakaligtas ang ilan pang mga kalapit na lugar at probinsiya sa hagupit ni Mari...
Comments
Post a Comment