John Lloyd Cruz, nag-sorry tungkol sa video kung saan sinasabing lasing siya


"Baby!"
Iyan ang tawag ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna sa isang video na ini-upload ng kaibigan ng aktres.
Nag-viral at mainit na pinag-usapan ng netizens ang mga kumalat na videos ng dalawa habang nagbabakasyon sila kasama ang mga kaibigan sa Bantayan Island, Cebu na hometown ni Ellen.
Pero bukod sa "sweet" moments nina John Lloyd at Ellen, ikinagulat ng netizens ang mga video kung saan mukhang lasing umano ang blockbuster king.
Bago nito, umiwas na si John Lloyd na kumpirmahin kung mag-'on' na sila ni Ellen.
Dahil sa nag-viral na videos, humingi ng tawad si John Lloyd sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.
Natuto raw siya sa nangyari at nag-apologize siya sa mga batang humahanga sa kaniya.
Pero wala raw siyang pinagsisisihan, dahil nagpapakita lang ito ng kagandahan ng totoong buhay.
Dinepensahan din siya ni Direk Johnny Manahan o "Mr. M" na tatay-tatayan niya sa showbiz.
Sa text statement na ipinadala ni Mr. M sa ABS-CBN News, sinabi niyang napakasipag magtrabaho ni John Lloyd na minsan ay tumatagal ng 18 oras kada araw.
Nag-relax lang si John Lloyd kasama ang mga kaibigan. Pero dahil sa social media, nagiging kontrobersyal ang 'private moments' ng mga artista kapag kumalat ito.
Natuto na rin daw ang aktor sa nangyari at magiging mas maingat sa susunod.

Comments

Popular posts from this blog

GOODBYE MARLOU, HELLO XANDER

May doktor na anak na si Jose Manalo!

Read:Full LYRICS ng new upcoming music video ni DonLastRhyme feat. Marcus Frisco