Watch: 2 pulis, nagbarilan matapos ang suntukang nagsimula sa isang toothpick


Nauwi sa barilan ng dalawang pulis ang isang away na nagsimula lamang sa pagkuha ng toothpick sa isang carinderia.
Ayon sa ulat ni Jam Sisante sa "24 Oras Weekend" nitong Linggo, nasa Caloocan Medical Center si Senior Police Officer 1 Rommel Bautista matapos barilin ni Police Officer 2 Paul John dela Fuente ng Manila Police District.
Nagsimula ang away sa isang carinderia sa Apolinario Mabini Street sa Barangay 18, Caloocan, kung saan kumuha ang isang Danny Sta. Maria ng toothpick sa kabilang mesa, na hindi ikinatuwa ng nakaupo doong pulis na si Dela Fuente.
Ayon sa isang saksi, sinupladuhan ni Dela Fuente si Sta. Maria kaya nauwi ito sa suntukan.
Umalis si Sta. Maria sa carinderia, pero bumalik ito kasama na si Bautista.
"Humingi ng tulong kay Bautista at nagresponde naman itong si Bautista. Pero habang papalapit sila doon sa restawran na sinasabi, pinaputukan na sila nitong suspek na ito, na kung kaya't nagkaroon ng exchange of fire," ayon kay Caloocan City police chief Senior Superintendent Jemar Modequillo.
Ayon pa kay Modequillo, may jeepney driver ding natamaan sa putukan.

Comments

Popular posts from this blog

GOODBYE MARLOU, HELLO XANDER

May doktor na anak na si Jose Manalo!

Read:Full LYRICS ng new upcoming music video ni DonLastRhyme feat. Marcus Frisco